Sinasabing ang mga Sumerian ang unang sibilisasyon ng Mesopotamia ( na ngayon ay Iraq ) noong panahon ng Eneolithic at Bronze Age.
Ang Mesopotamia ay kilala din bilang "Cradle of Civilization" sapagkat dito nagsimula ang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa silangan na tinatawag na "Fertile Crescent". Sa lugar ding ito matatagpuan ang ilog ng Tigris at Euprates.
Ang mga Sumerian ay bihasa sa pagpapalago ng iba't ibang mga pananim at iyon ang naging hudyat upang sila ay magtagal sa isang lugar.
Noong panahon ng Neolitiko natatag ang pamayanang Catal Huyuk sa Anatolia at Jericho sa Israel. Subalit hindi naglaon ay nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia.
Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Uruk, Eridu, Nippur, Kish at Lagash.
Ang gusaling Ziggurat na itinatag sa lungsod ng Ur ay naging simbolo ng pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos.
Source: Google Images
Ang mga Ziggurat o templo ay ang tahanan ng Diyos ng mga Sumerian.
Mga Diyos ng Sumerian
AN - Diyosa ng kalangitan
ENLIL - Diyos ng hangin
ENKI - Diyos ng katubigan
NINHURSAG - Diyos ng kalupaan
Mga Ambag ng Kabihasnang Sumerian
Cuneiform
Sinasabing ito ay umusbong noon pa lamang 3000 BC Ito ang naimbentong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. Ang Cuneiform ay gawa sa putik. Dito inilalagay ng mga Sumerian ang batas, epiko, dasal at kontrata ng negosyo.
Source: Google Images
Sumerian Wheel
Nabuo ito noong 3500 BC. Sa pagkatuklas nito ay nagawa nila ang pinakaunang karwahe. Ang gulong na ito ay gawa sa kahoy
Source: Google Images
Cacao
Ginamit nila ang cacao bilang pamalit ng kalakal at dahil dito, ang mga Sumerian ang nakaimbento ng unang paraan ng pakikipagkalakalan.
Source: Google Images
Matematika
Ang mga Sumerians ay nakabuo din ng komplikadong sistema ng metrology at dahil dito ay naimbento ang geometry at algebra. Gumawa din ang mga Sumerian ng multiplication table sa kanilang Cuneiform tablets.
Source: Google Images
Umunlad ang pamayanang Sumer at naging malayang estado ito subalit hindi naglaon ay nagkaroon sila ng pag aaway.
Ang pag aaway na iyon ay sinamantala ng mga taga Akkadian, kaya't nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na siyang nagtayo ng unang imperyo sa kasaysayan.
Naging masaklap din ang pagtatapos ng Akkadian dahil sinakop din sila ng Babylon na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi"