Friday, February 21, 2020

Halika na, ka-byahero! πŸ˜‰ Alamin natin ang isa sa unang kabihasnan na nabuo at nai-tala sa ating kasaysayan. Tara!


      Sinasabing ang mga Sumerian ang unang sibilisasyon ng Mesopotamia ( na ngayon ay Iraq ) noong panahon ng Eneolithic at Bronze Age.
  Ang Mesopotamia ay kilala din bilang "Cradle of Civilization" sapagkat dito nagsimula ang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa silangan na tinatawag na "Fertile Crescent". Sa lugar ding ito matatagpuan ang ilog ng Tigris at Euprates.
enter image description here

     Ang mga Sumerian ay bihasa sa pagpapalago ng iba't ibang mga pananim at iyon ang naging hudyat upang sila ay magtagal sa isang lugar.
      Noong panahon ng Neolitiko natatag ang pamayanang Catal Huyuk sa Anatolia at Jericho sa Israel. Subalit hindi naglaon ay nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia.
    Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Uruk, Eridu, Nippur, Kish at Lagash.
     Ang gusaling Ziggurat na itinatag sa lungsod ng Ur ay naging simbolo ng pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos.
enter image description here
Source: Google Images
     Ang mga Ziggurat o templo ay ang tahanan ng Diyos ng mga Sumerian.

Mga Diyos ng Sumerian
AN - Diyosa ng kalangitan
ENLIL - Diyos ng hangin
ENKI - Diyos ng katubigan
NINHURSAG - Diyos ng kalupaan


Mga Ambag ng Kabihasnang Sumerian

Cuneiform
      Sinasabing ito ay umusbong noon pa lamang 3000 BC Ito ang naimbentong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. Ang Cuneiform ay gawa sa putik. Dito inilalagay ng mga Sumerian ang batas, epiko, dasal at kontrata ng negosyo.
enter image description here
Source: Google Images

Sumerian Wheel
     Nabuo ito noong 3500 BC. Sa pagkatuklas nito ay nagawa nila ang pinakaunang karwahe. Ang gulong na ito ay gawa sa kahoy
enter image description here
Source: Google Images

Cacao
     Ginamit nila ang cacao bilang pamalit ng kalakal at dahil dito, ang mga Sumerian ang nakaimbento ng unang paraan ng pakikipagkalakalan.
enter image description here
Source: Google Images

Matematika

      Ang mga Sumerians ay nakabuo din ng komplikadong sistema ng metrology at dahil dito ay naimbento ang geometry at algebra. Gumawa din ang mga Sumerian ng multiplication table sa kanilang Cuneiform tablets.
enter image description here
Source: Google Images

      Umunlad ang pamayanang Sumer at naging malayang estado ito subalit hindi naglaon ay nagkaroon sila ng pag aaway.
    Ang pag aaway na iyon ay sinamantala ng mga taga Akkadian, kaya't nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na siyang nagtayo ng unang imperyo sa kasaysayan.
    Naging masaklap din ang pagtatapos ng Akkadian dahil sinakop din sila ng Babylon na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi"



22 comments:

  1. wow salamat ng dahil dito naalala ko ang teacher ku nung highscholl haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e, bumabalik ang mga alaala nun mga panahon na tinatalakay ito sa atin ng ating guro sa AP.

      Delete
  2. Makaagaw atensiyon po yung mga detalye,noon pa man, makabukuhan na talaga ang pamumuhay ng mga tao. Nakakamiss tuloy pag-aralan ang ganitong klaseng mga aralin

    ReplyDelete
  3. Napakahalaga talaga na malaman natin kung paano at saan nagmula ang mga bagay na mayroon tayo ngayon.

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. Maraming salamat! Balik-balikan lamang ang page na ito sa ilang karagdagang pang impormasyon hinggil sa mga mas makakapagpatibay sa ating nasimulan na kasaysayan.

      Delete
  5. JUNIOR HIGH TOPICSSS YESS MAKAKATULONG TO SA MGA KAKILALA KO

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo maaari ninyo itong mapagkunan ng mga impormasyon hinggil sa aralin sa paaralan lalo na sa asignatura ng Araling Panlipunan.

      Delete
  6. ng dahil dito mas naging interesado pa po ako sa mga bagay na pinagmulan na meron tayo ngayon😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuti kung ganun, makakatulong yan para mas lalo mong maintindihan at ng iyong mga kapwa kabataan ang pinagmulan ng ating kasaysayan.:')

      Delete
  7. Isang magandang talakayin para sa pagbabalik tanaw sa ating kasaysayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka, sapagkat isa ito sa maaaring magmulat sa atin upang mas maunawaan ang kahalagahan ng bawat bagay at pangyayari ngayon sa kasalukuyan.

      Delete
  8. Maganda magbalik tanaw sa siatorya NG Mundo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mabuti natin balikan muna ang nakaraan upang mas maging malinaw ang kasalukuyan.

      Delete
  9. Ang saya po ulit balikan ng mga topics nq ganito.. Malaking tulong po ito para sa mga kabtaan upang lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng mga kasaysayan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung pwede nga lang na balikan ang nakaraan kung saan pwedeng mas pagtuunan pa ng pansin ang impormasyon na ito ay mas makakabubuti sa ating pag-unawa sa mga nabubuo ngayon na bagay sa kasalukuyan.

      Delete
  10. Maraming salamat sa pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa unang kabihasnang nabuo sa ating kasaysayan. Marami Kang matutunan.Sana marami pang kabataan ang makabasa nito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatuwa nga at dahil dito ay nalaman natin na sa kanila pala nagmula ang Matematika.

      Delete
  11. Sana nga ay makarating sa mga kabataan ang impormasyon na ito. Maraming salamat sa iyong komento.

    ReplyDelete
  12. Salamat po sa info tungkol dito miss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming mga kaalaman pa ang maaari ninyong makuha dito. Magsilbi sana itong mapagkukunan ng kaalaman ninyo tungkol sa kasaysayan.

      Delete